Lumaktaw sa pangunahing content

Sa Mga Kuko Ng Liwanag

Sa Mga Kuko Ng Liwanag

ni Edgardo M.  Reyes



1. PAGKILALA SA MAY-AKDA- Ang nararansan, napansin, nakikita't narinig ng may akda kahit saan mang sulok ng lipunan ay siyang nag-uudyok sa kanya upang lumikha ng isang akda.
2. URI NG PANITIKAN-Ang uri ng panitikan ay Nobela-ito ay nakakaantig sa bawat damdamin at puso ng tao.
3. LAYUNIN NG MAY-AKDA- Ang Layunin ng may-akda upang lumikha ng isang Akda ay dahil nais niyang mailarawan o mailahad ang mga suliraning bumabaon sa lipunan na ginagalawan ng bawat Pilipino.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA- ang tema o paksa ng akda ay totoong makabuluhan at napapanahon at lalo pang nakakapagmulat sa kaisipan ng mambabasa at napupolutan ng aral.
5. MGA/TAUHAN/KARAKTER SA AKDA- Ang mga tauhan o karakter nay totoong likha ng lipunang kailangan ginagalawan. Gaya ng isang huwad na taong mangangalap ng mga dalaga't binata upang ipangibang bansa sa isang kapatas ng gusali na umaalipin at umalipusta sa mga nagsusumikap na mga manggagawa, at sa mga kasambahay na palaging minumura't inaapi ng kanilang mga abusadong amo.
6. TAGPUAN/PANAHON- Ito'y madalas mangyari sa mga siyudad o sa mga bayan at sa lugar na siksik ang naninirahan Ito'y patuloy nangyayari hanggang sa kasalukuyang panahon.
7. NILALAMAN /BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI- Ang nilalaman at mga pangyayari sa linikhang akda ay hindi luma at hindi imahinasyon lang ng isang manunulat kundi itoy nakabasi sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao noon pa man at hanggang sa kasalukuyan. Ang pananaw ng isang may-akda ay makatotohanan at ito'y posible pang mangyari habang ang tao ay mananatili pang buhay. Ang laman ng akda ay kapupolotan ng aral sa bawat mambabasa.
8. MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA                 - Ang mga kaisipan o Ideyang taglay ay totoong nagpapahiwatig sa karanasang palaging umiiral sa lipunang ginagalawan ng bawat tao. Ito'y naangkop sa tunay na pangyayari na siyang pinagkukunan ng may-akda upang malikha ang isang sulating naging unibersal na nababatay sa batas na kalikasan na siyang kumokontrol sa bawat galaw ng buhay ng tao sa mundo.
9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA- Ang Istilo at pamamaraan sa pagkakasulat ng akda ay totoong naaangkop sa bawat antas ng mambabasa. Hindi mahirap intindihin o unawain ang bawat paksa, at mga salita sa bawat pangungusap sang-ayon sa layuning ipinapahiwatig ng manlilikha . Ito'y nagbibigay lasa't inspirasyon sa nais maging paham na tagapagsuri.
10. BUOD-Ang nangyari sa buhay ni Julio, at Ligaya na magkasintahan sa estorya ay siyang                        naging huwaran ni kahit kaninuman dahil ito'y nagsisimbulo ng pagdanas sa mga pasakit at pagsubok sa kanilang pakikipagsapalaran sa buhay na hinikayat at binibigyang lakas at sigla dahil sa kanilang wagas at taimtim na pagmamahalan sa isa't-isa.
11. Aral- Ang aral na maaring makukuha't mapupulot ng bawat mambabasa buhat sa akda ay kung papaano makukuha at matotunan ang sapat at maayos na pagsusuri sa bawat linikhang akda sa bawat manunulat lalo na sa mga babasahing pampanitikan. 



Mga Komento